Now Playing Tracks

Nakakamiss rin pala yung mga panahon na palagi kayo magkausap. Yung mga tagpong kahit wala na kayo mapag usapan, hindi pa rin kayo nagsasawa. Nakakamiss yung mga kwento niya at mga joke niyang korni. Nakakamiss yung boses niyang sintunado sa tuwing kinakantahan ka niya bago matulog. Kung minsan hindi mo sinasadya, natutulugan mo siya.

Palagi kayong magkatext umaga hanggang gabi. Minsan nga inaabot pa ng madaling araw. kahit paulit ulit nalang yung pinaguusapan, paulit ulit pa rin yung nararamdaman niyong saya at kilig.

Hanggang sa nagbago ang lahat. Hanggang sa nawala na ang saya at tamis ng pag uusap. Kung dati wala kayo ibang pinoproblema, ngayon puro nalang away ang pinaguusapan niyo. Yung dating Masaya sa tuwing nagkukwentuhan kayo, bigla nalang tumamlay. 

Nakakamiss lang yung mga panahong yun. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan na nagsawa siya, na napagod siya, alam ko naman un. Nakakalungkot lang naman isipin, syempre namimiss mo siya. yung kung ano kayo dati.

(Source: imsimplysansan)

To Tumblr, Love Pixel Union